CAUAYAN CITY- Wala nang buhay nang matagpuan ang isang magsasakang nagpatiwakal sa kanilang tahanan sa Gomez, San Isdiro, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Romeo Bendivil, 30 anyos, binata, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Senior Inspector Allan Pascual, Acting Chief of Police ng San Isidro Police Station, kanyang inihayag na napansin ng pamilya na matamlay ang binata sa nakalipas na mga araw at tila mayroong malalim na problema.
Hindi namang inakalang hahantong sa pagpapakamatay ng magsasaka.
Natagpuan na lamang ng kapatid ang binata na nakabitin sa isang malaking kahoy na bahagi ng kanilang bahay at wala nang buhay.
Nag-iwan ng suicide note ang binata na nagsasabing hindi na niya kayang mabayaran ang mga utang na sinisingil na sa kanya.




