Isang 14-anyos na math prodigy sa India ang nakapagtala ng anim na Guinness World Records sa loob ng isang araw!
Si Aaryan Shukla ng Maharashtra ay una nang nakatanggap ng Guinness World Records noong 2024 matapos niyang makuha ang record para sa “fastest time to mentally add 50 five-digit numbers” sa isang TV show sa Italy.
Sa Dubai, nadagdagan pa ang kanyang mga titulo matapos niyang ma-break ang mga world record title na “fastest time to mentally add 100 four-digit numbers, 200 four-digit numbers, 50 five-digit numbers”, pati na rin ang “fastest time to mentally divide a 20-digit number by a ten-digit number’ at ‘multiply two five-digit at two eight-digit numbers”.
Dahil dito, binansagan siyang “Human Calculator” ng Guinness World Records.
Ayon kay Aaryan, naging magaling siya sa math dahil araw-araw ay nagsasanay siya ng lima hanggang anim na oras.
Maging ang kanyang pamilya ay hindi makapaniwala sa kanyang husay sa math. “Isa lang kaming normal na pamilya. Si Aaryan ay tila one-in-a-billion,” anang kanyang ama.