CAUAYAN CITY – Naipasakamay na sa City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang binatilyong nanaksak sa isang ginang sa lunsod.
Dadaan sa ibat ibang pagkalinga at mga programa ng CSWDO tutugon sa aspeto ng mental at emotional sa loob ng isang taon ang suspek na si Alyas Jaydee na nahaharap sa kasong FRUSTRATED MURDER.
Matatandaan na pinagsasaksak ng binatilyo Jaydee ang biyenan nito habang nagtitinda sa pribadong pamilihan kahapon.
Ayon sa anak ng biktima na si Angelica Santiago katatapos lamang mag-almusal ng kanyang ina nang bigla umanong dumating ang pinaghihinalaan at biglang sinaksak ng tatlong beses ang kanyang ina.
Ayon sa mga nakasaksi galing sa inuman ang pinaghihinalaan bago mangyari ang insidente.
Nagtamo ng tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad dinala sa pagamutan.
Ayon naman sa mga dating kasamahan ng pinaghihinalaan posibleng dahil sa tsismis kaya nagawa niya na saksakin ang biyenan.