Magtatagal pa ng ilang linggo ang global PPop girl group na BINI sa US.
Matapos ang kanilang performance ngayong Sabado sa Coachella, babalik pa rin ang grupo para sa ikalawa nilang performance sa event.
Matapos ang Coachella, dadalo rin ang BINI sa isang music awards at ito ay para sa Billboard US.
Nakapasok na sa Billboard ang pangalan ng BINI bilang isa sa bibigyang parangal para sa ‘Billboard Women in Music’.
Gaganapin ang awards event sa April 29, 2026 sa Hollywood Palladium.
Tatangap ng karangalan bilang “Global Force” award ang BINI.
Kahilera ng BINI sa awardees ay mga bigating female artist gaya ng Huntrix na siyang umawit sa theme song ng animated movie na “KPop Demon Hunters”.
“Women of the Year” naman ang igagawad sa Huntrix.
Katuwang naman ng BINI sa Global Force award ang The Beaches.









