--Ads--

CAUAYAN CITY– Mamamahagi ng bitamina at hygiene kit sa mga benepisyaryo ang Office of The Senior Citizens Affairs ( OSCA) Cauayan Citt.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni OSCA Head Edgardo Atienza Sr. na inihahanda na ng kanilang tanggapan ang mga bitamina at hygiene kits sa mga benepisyaryong Senior Citizens na mula kay Pangalawang Punong Lalawigan Bogie Dy at kinatawan Inno Dy.

Anya hinihintay pa rin nila ang mga karagdagang darating dahil sa ngayon ay iilan pa lamang ang dumating sa kanilang tanggapan.

Kinakailangan din anyang mabigyan ang lahat ng mga senior citizens ng mga bitamina at hygiene kits upang walang magreklamo .

--Ads--

Aabot sa 14,110 ang miyembro ng OSCA sa lunsod ng Cauayan at marami pang mga nag-aapply na galing sa mga barangay ng Lunsod.

Ang pahayag ni OSCA Head Edgardo Atienza Sr.