Naghanda ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Cauayan ng iba’t ibang aktibidad para sa kapakanan at rehabilitasyon ng mga persons deprived of liberty o PDLs at kanilang mga pamilya bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week ngayong Oktubre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Inspector Susan Encarnacion ng BJMP Cauayan, sinabi niyang kabilang sa mga aktibidad ang libreng medical at dental mission sa pakikipagtulungan sa City Health Office.
Maaari ring makinabang sa serbisyo ang mga pamilya ng PDLs at iba pang benepisyaryo.
Nakatakda rin ang libreng minor operations para sa mga PDLs na may maliliit na bukol, katuwang ang mga partner ng BJMP at mga doktor.
Bukod dito, magkakaroon din ng pagbebenta ng mga produktong gawa ng mga PDLs bilang bahagi ng kanilang livelihood activities.
Isasagawa rin ang family day upang mabigyan ng pagkakataon ang mga PDLs na makasama ang kanilang mga pamilya.











