Pumanaw na ang Welsh singer na si Bonnie Tyler, na nakilala sa mga hit na “Total Eclipse of the Heart” at “Holding Out for a Hero,” sa edad na 75 habang ginagamot sa isang ospital sa Portugal. Kinumpirma ng kanyang pamilya ang pagpanaw nito noong Huwebes, Hulyo 9.
Ayon sa inilabas na pahayag ng kanyang pamilya, biglaang binawian ng buhay si Tyler noong gabi ng Hulyo 8 habang sumasailalim sa paggamot para sa isang karamdaman.
Ipinanganak bilang Gaynor Hopkins sa Wales, sumikat si Tyler noong dekada ‘70 at ‘80 dahil sa kanyang natatanging paos na boses at sunod-sunod na hit songs. Kabilang sa kanyang pinakasikat na awitin ang “It’s a Heartache,” “Total Eclipse of the Heart,” at “Holding Out for a Hero.”
Naging kinatawan din siya ng United Kingdom sa Eurovision Song Contest noong 2013 at nanatiling aktibo sa industriya ng musika sa loob ng mahigit limang dekada.
Nagpahayag naman ng pakikiramay ang mga kapwa artista at tagahanga sa buong mundo bilang pagpupugay sa singer na nag-iwan ng malaking ambag sa pandaigdigang industriya ng musika.





