--Ads--

CAUAYAN CITY– Natagpuang wala nang buhay at palutang lutang sa ilog sa barangay Zone 2, San Mariano, Isabela ang bangkay ng isang Barangay Kagawad .

Ang biktimang si Barangay Kagawad Pablo Tuliao, 62 anyos, residente ng Cataguing, San Mariano, Isabela ay Hubo’t- hubad at puno ng mga pasa sa katawan at halos hindi na makilala nang makita ang barangay kagawad..

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PSr. Master Sgt. Joniemer Baingan, tagasiyasat ng San Mariano, Isabela na noong makita ang bangkay ng biktima ay kanilang nakilala na si Brgy. Kagawad Pablo Tuliao.

Sa ngayon ay patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima.

--Ads--

Samantala, sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Corazon Tuliao na huli nilang nakita ang kanyang mister noong April 19, 2023.

Naniniwala siyang love triangle ang sanhi ng pagkakasawi ng biktima.

Sinabi ni Gng. Tuliao kung minsan na wala sa gabi ang kanyang mister ay nagpupunta umano sa kanyang babae ngunit tiyak naman anyang dumarating kinaumagahan.

Nang hindi anya umuwi ang kanyang mister at mayroon siyang schedule check-up sa Santiago City.

Ayon kay Ginang Tuliao na mayroon umanong babae ang kanyang mister ngunit kanyang napag-alaman na marami umanong lalaki ang nasabing babae at hindi lang ang kanyang mister.

Inihayag pa ni Ginang Tuliao isasailalim nila sa autopsy ang bangkay ng kanyang mister.

Papunta na rin sa lugar ang Municipal Health Officer ng San Mariano upang isailalim sa autopsy ang bangkay ng barangay Kagawad.

Dinala na sa isang punerarya na ang bangkay ng biktima na nasa state of decomposition na.

Ang pahayag ni Gng. Corazon Tuliao