--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Anti-Illegal Logging Law) ang isang barangay kagawad matapos mahuli sa aktong nagbabiyahe ng ilegal na pinutol na kahoy sa Brgy. San Lorenzo, Ilagan City.

Ang suspek ay si Brgy. Kagawad Geraldo Bulan, 48 anyos, may- asawa at residente ng Anggasian, lunsod ng Ilagan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, isang text message mula sa concerned citizen ang kanyang natanggap na agad namang tinugunan ng pulisya.

Dito nakita ang barangay kagawad na sakay ng isang puting closed van na may plakang WLA 969 at naglalaman ng walang kaukulang dokumento na pinutol na kahoy na tinatayang nasa 550 boardfeet.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya si Brgy. Kagawad Bulan para sa kaukulang dokumentasyon.