--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinuspindi ng isa at kalahating taon si Barangay Kapitan Espido Tamang ng Panninan, San Mariano, Isabela matapos mapatunayan na guilty sa mga kasong dishonesty, gross negligence and dereliction of duty at grave abuse of authority.

Sinang-ayunan ni Mayor Bobot Go ang rekomendasyon ng Sangguniang Bayan ng San Mariano na patawan ng suspension si Barangay Kapitan Tamang.

Siya ay inireklamo nina Brgy. Kagawad Robert Doriño at Joey Fernandez kaugnay sa P/235,000 na ginastos sa pagbili ng diesel para sa road rehabilitation project, mga materyal para sa water development project noong Disyembre, 2016 at pagbili ng mga kagamitan at bayad sa pagpapagawa nang nasirang barangay hall.

Dahil dito ay inatasan ng punungbayan ang Office of Municipal Accountant at Engineering upang magsagawa ng pagsisiyasat at natuklasan na may nailabas na pera na sobra sa actual budget ng Barangay. Panninan.

--Ads--

Mayroong ding mga cash advances na hindi nailalabas at mahigit P/246, 000 na bayad para sa honoraria ay hindi suportado ng mga dokumento.

Nakapaglabas din ng pondo si Punungbarangay Tamang kahit wala ang lagda ni Brgy. Kagawad Robert Doriño bilang chairman ng Committee on Appropriations.

Sa datos ng tanggapan ng Municipal Engineer, nakapaglabas ng pondo noong 2016 ang punungbarangay ng halagang mahigit P/100,000.00 para sa materyales at pagpapagawa ng barangay hall.