--Ads--

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang patuloy na paghina ng piso, na bumagsak sa pinakamababang halaga, ay maaaring muling magpataas ng inflation.

Ito ay kahit na inaasahan ng central bank na mananatili sa pagitan ng 1.1 hanggang 1.9% ang November inflation, na mas mababa pa rin sa target nitong 2-4%.

Ayon sa BSP, nagdulot ng dagdag na pressure sa presyo ang pagtaas ng kuryente at langis, pati na rin ang mga epekto ng masamang lagay ng panahon sa presyo ng bigas, isda at prutas.

Sinabi ng mga ekonomista na malaki ang epekto ng paghina ng piso dahil maraming pagkain at produktong petrolyo ang inaangkat ng bansa. Kapag humihina ang piso, tumataas ang gastos sa pag-angkat at ipinapasa ito sa mga mamimili, na maaaring magpabilis ng inflation.

--Ads--

Binalaan din ng mga eksperto na mas lalala ang epekto kung mananatiling mahina ang piso sa mga susunod na buwan. Sa kabila nito, sinabi ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na kuntento siya sa kasalukuyang year-to-date inflation na 1.7%.