--Ads--

Plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na palawakin ang Comprehensive Credit and Equity Exposures Report (COCREE) upang masaklaw ang mas maraming non-bank financial institutions tulad ng non-stock savings at loan associations, non-bank credit card companies, at government non-bank financial institutions.

Layunin ng hakbang na ito na mas mapalakas ang pagbabantay ng BSP sa credit exposures at emerging risks sa buong sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng mas detalyadong datos tungkol sa borrowers at counterparties.

Inilunsad ang COCREE noong 2021 at pinalawak noong 2023 sa ilalim ng COCREE 2.0. Sa bagong panukala, mas maraming non-bank entities ang isasama, at magiging electronic ang submissions alinsunod sa itinakdang format.

Magsisimula ang reporting para sa bagong sakop na institusyon sa period ending ng Setyembre 30, na isusumite sa Nobyembre 27, at quarterly na susundan pagkatapos ng full implementation. Hindi naman muna ipapataw ang penalties sa pilot phase.

--Ads--