FILE PHOTO: A worker shows Philippine peso bills inside a money changer in metro Manila, Philippines August 14, 2017. REUTERS/Dondi Tawatao
--Ads--

Pumalo sa P165.4 billion ang budget surplus ng Pilipinas sa unang buwan ng 2026.Philippine laws analysis

Nagawa ito ng national government dahil sa pagtaas ng kita ng pamahalaan. Ito ay halos triple pa sa naitalang budget surplus noong Enero ng nakalipas na taon na umabot lamang sa P68.4 billion.

Sa naturang buwan kasi ay umabot sa P468.9 billion ang nakolekta ng national government na kabuuang kita.

Malaking bahagi ng naturang kita ay mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakalikom ng P358.7 bilyon. Mas mataas ito ng 1.01% kumpara noong January 2025.

--Ads--

Umabot naman sa P80.9 billion ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC). Tumaas ito ng 2.13%.

Paliwanag ng BOC, ang mas mataas na tax collection ay dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng iba’t-ibang messure laban sa smuggling at iba pang ilegal na aktibidad.

Para sa BIR, kinikilala naman nito ang digitalization at mas mahigpit na tax administration bilang pangunahing dahilan ng pag-angat ng tax collection nitong unang buwan ng kasalukuyang taon.