CAUAYAN CITY – Positibo sa paraffin test at illegal na droga ang isa sa dalawang suspek sa pagbaril at pagpatay kay P/Chief Inspector Michael Angelo Tubania, hepe ng Mallig Police Station.
Inihayag ito ni P/Chief Supt. Jose Mario Espino, panrehiyong director ng Police Regional Office No. 2 sa pagprisinta kay PNP Chief Albayalde sa suspek na si Warren Bulawit, 19 anyos at ang kasama na 17 anyos, kapwa residente ng Nambaran, Tabuk City, Kalinga.
Si Bulawit ang positibo sa parrafin test at illegal na droga
Ang dalawa ay tinanong ni Albayalde kung bakit sila nasa Isabela gayong sila ay taga-lalawigan ng Kalinga.
Lumabas sa imbestigasyon na ang dalawa ay sangkot sa ilang kaso ng pagnanakaw ng motorsiklo kabilang ang isang babaeng sundalo na inagawan nila ng motorsiklo.
Ang dalawa ay nakatakdang sampahan sa Piskalya ng kasong pagpatay.




