--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagbili ng PNP ng mga protective gear para sa mga pulis ngunit prayoridad na mabigyan ang mga operatiba lalo na ang mga nagsasagawa ng anti-drug operation.

Ito ang sagot ni PNP Chief Oscar Albayalde sa press conference sa Gamu, Isabela sa tanong ng Bombo Radyo Cauayan kung mabibigyan na ng protective gear ang mga pulis matapos mabaril at mapatay si P/Chief Inspector Michael Angelo Tubania ng dalawang suspek na sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo.

Ayon kay Albayalde, hindi puwedeng mabigyan lahat ang mga pulis tulad ng pagkakaroon nila ng baril kundi prayoridad ang lahat ng mga operatiba.

Sa Metro Manila aniya ay marami na ang nabigyan ng bullet proof vest lalo na ang mga nagsasagawa ng operasyon sa illegal na droga.

--Ads--

Sa mga lalawigan ay mayroon na ring iilan na nabigyan habang ang ibang pulis ay personal na bumili ng kanilang vest.