--Ads--

Nasawi ang isang walong buwang buntis nang aksidenteng makuryente sa Brgy. Arwas, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Lary-Mar Paguirigan, Investigation and Operation Officer ng Diadi Police Station sinabi niya na unang nakuryente ang kasalukuyang naglilinis ang ina ng biktima sa paligid ng kubo na kinalalagyan ng water pump para sa kanilang water source.

Nakita naman siya ng anak nitong buntis kaya nilapitan niya ito para tulungan subalit sunod din itong nakuryente at nahigaan ang kawad ng kuryente nang ito ay bumagsak sa lupa.

Nakita naman sila ng kanilang mga kapitbahay at naidala pa sa pagamutan ang mag-ina subalit idineklarang dead-on-arrival ang biktimang buntis.

--Ads--

Sa imbestigasyon ng pulisya, tatlong araw nang hindi gumagana ang water pump at posibleng nabasa umano ang linya ng kuryente na eksaktong nahawakan ng mag-ina.