Nanawagan ang ilang business groups sa pamahalaan na ibalik ang ₱107 bilyon na inilipat mula Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) patungong National Treasury, dahil nagdudulot umano ito ng pangamba sa tiwala ng publiko at sa katatagan ng banking system.
Iginiit ng grupo na ang transfer noong 2024 na idineklarang “unrestricted retained earnings” ay mapanganib na precedent at maaaring magpahina sa financial safety net ng bansa.
Hiniling nila sa DOF at Kongreso na ibalik ang pondo sa 2026 budget at protektahan ang Deposit Insurance Fund mula sa mga susunod pang fiscal transfers.
Kabilang sa lumagda ang FINEX, Institute of Corporate Directors, Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry, at Philippine Finance Association.
Dagdag pa nila, bagama’t nananatiling matatag ang banking sector, ang tiwala ng publiko ang pinakamahalagang yaman nito, at ang pagbabalik ng pondo ay magpapatunay sa independency ng PDIC at sa papel nitong maging huling depensa ng bansa para sa mga depositor.





