CAUAYAN CITY – Magpapakitang gilas ang mga kabataang Cauayeños na may angking talento at talino sa gaganaping mga aktibidad ng Sanguniang Kabataan Federation bilang selebrasyon ng Buwan ng Kabataan.
Ayon kay SK Federation President Camilo Ballad, unang isinagawa ng mga kabataan ang tree planting at nagkaroon din ng basketball exhibition game, project one more chance na nagsilbing charity program sa Bahay Pag-Asa, SK Youth Org-Lympics, Job Fair 2024, Digital PostMaking Contest, Mobile Photography Contest, Battle of the bands, at Master Chef Edition.
Habang isasagawa naman ngayong araw ang Inter-School Quiz bee upang magbalik-tanaw sa Pop Culture, Philippine Politics, History, Mathematics, Chemistry at Social Science.
Ngayong araw din aniya gaganapin ang Kabataan Got Talent, upang ipakita na talentado ang mga kabataang Cauayeños, at bilang panghuli sa selebrasyon, ay ang Search for 10 Sustainable Development Goals Heroes.
Nagpapasalamat naman ang SK Federation Committee sa suportang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga aktibidad para sa selebrasyon ng buwan ng kabataan.