--Ads--

CAUAYAN CITY  – Naranasan ang malakas na ulan at hangin sa Calayan Island, Cagayan  na nagsimula alas dos ng madaling araw, ngayong Sabado, ika-11 ng Setyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Liga ng mga Barangay President Eric Nunez ng Calayan Island na may mga natumbang puno ng kahoy at inaasahan nila ang pinsala ng bagyo sa mga tanim na palay.

Nawala ang supply ng koryente nang magsimula ng malakas na hangin at ulan.

Wala aniyang lumikas sa evacuation center sa sentro ng Calayan Island kundi nakituloy ang ilang pamilya sa mga kamag-anak o kapitbahay na mas matibay ang mga bahay.

--Ads--

May mga lumikas sa sa Camiguin Island na bahagi pa rin ng Isla ng Calayan at may tatlong barangay gayundin na may lumikas sa Babuyan Claro.

Sinabi ni Barangay Kapitan Nuniez na walang problema ang pagkain sa Isla ng Calayan dahil sagana sa bigas at nakapag-imbak sila ng mga  suplay.

Ang pahayag ni LNB President Eric Nunez