--Ads--

Humirit ng P500 milyong danyos si PCO Usec. Claire Castro laban kay Rep. Leandro Leviste kaugnay ng kasong libel na aniya’y nakasira sa kanyang reputasyon.

Ayon kay Castro, ito ay bahagi ng kanyang compulsory counterclaim matapos umanong baluktutin ng kongresista ang ilang detalye ng reklamo laban sa kanya.

Iginiit din niya na naapektuhan ang kanyang kredibilidad bilang Palace Press Officer kaya nararapat lamang na managot si Leviste.

Dagdag pa ni Castro, ang pahayag ng kongresista na sasagutin nito ang kanyang gastusing medical ay maituturing na indikasyon na kinikilala nitong siya ang dahilan ng kanyang pagkakaroon ng “sleepless nights at anxiety.”

--Ads--

Binigyang-diin niya na may malinaw na epekto ang insidente sa kanyang kalusugan, kaya may sapat na batayan ang kanyang hinihinging danyos.