--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng Imbestigasyon ang City Agriculture Office hinggil sa mga reklamo may kaugnayan sa mga Hybrid Rice seed na ibinibenta ng isang Agri Supply na libreng ipinamamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo sinabi niya na may mga pormal na ring reklamo ang naihain sa kanilang tanggapan hinggil sa mga nabiling binhi na kalaunan ay natuklasan na mga hybrid rice seed na pag-aari ng DA at ito ay not for sale o hindi ipinagbibili.

Aniya, nabili ang mga nasabing binhi sa isang pribadong farm supply sa lunsod.

Ang mga nagreklamo naman sa kanilang opisina ay galing sa Brgy. San Luis at Ammobocan.

--Ads--

Nininaw naman ni Engr. Alonzo na ang mga binhi na ibinibenta ay hindi galing sa Region 2 kundi galing sa Region 3 dahil ang Region 2 ay may 15 kilograms packaging habang ang Region 3 ay may 5 kilogramns packaging.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na sila sa DA Regional Office habang ang panrehiyong tanggapan ay nakikipag ugnayan na sa DA region 3.

Dahil sa mga natanggap na reklamo ay magsasagawa sila ng monitoring  upang mapigilan ang pagbebenta ng mga sinasabing binhi.

Iginiit din niya na hindi dapat tangkilikin ng mga magsasaka ang mga tampered na binhi dahil mawiwili lamang ang mga traders na magsamantala sa mga magsasaka.