--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumibisita sa mga eskwelahan ang Cauayan City Police Station upang magbigay ng paalala sa mga kabataan patungkol sa pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Station sinabi niya na bumisita sila sa St. Claire College sa Brgy. District 2 upang magsagawa ng lecture sa mga senior high school students para sa kanilang kampanya kontra illegal drugs.

Dalawang araw aniya itong lecture at una nilang isinagawa ang demonstration kung paano isinasagawa ang pag-aresto sa mga drug personalities tuwing may operasyon.

Sa pangalawang araw ay nagsagawa naman sila ng symposium para sa mga estudyante.

--Ads--

Una aniya nilang inumpisahan ang nasabing programa noong nakaraang linggo at inaasahang pupuntahan din nila ang iba pang paaralan sa lunsod upang maipaalam sa mga kabataan ang mga batas na maari nilang malabag at mga bagay na dapat nilang iwasan.

Ayon kay PMaj. Galiza maraming kabataan na residente ng Cauayan City ang kanilang naaaresto.