CAUAYAN CITY – Asahang mas pinaigting pa ang kampanya kontra droga dahil sa memorandum of agreement sa pagitan ng Cauayan Ministerial Association (CMA )na pinangungunahan ni Pastor Alex Manipon at Isabela Anti-Crime Task Force.
Kung magugunita ay kasama ang spiritual na pangangailangan na ibabahagi sa mga drug surrenderee kaya naman nakipagtulungan ang CMA sa otoridad upang masugpo ang iligal na droga.
Anya, libre at boluntaryo ang kanilang ginawang aksyon dahil kasama rin talaga ang tulong spiritual sa community based rehabilitation program (CBRP).
Kaugnay nito, sinabi ni Ysmael Atienza, ang chairman ng Isabela anti-crime task force na hindi lamang pagsugpo sa droga ang kanilang tututukan kundi pati ibang krimen na laganap sa lalawigan.
Hinikayat niya rin ang mamamayan na suportahan ang mga panukala laban sa iligal na droga at iba pang krimen.
Makikipagtulungan din sila sa iba pang ahensiya ng pamahalan para lumakas ang pwersa laban sa krimen.




