--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinutulan ng isang human rights lawyer ang pagbabalik ng parusang kamatayan dahil hindi ito solusyon sa paglutas ng mga krimen.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Neri Colmenares, Chairman ng National Union of Peoples Lawyer (NUPL) at human rights lawyer, sinabi niya na hindi sila sang-ayon sa death penalty kasama ang simbahan at iba pang human rights groups dahil hindi ito solusyon para mapigilan ang krimen.

Ang kailangan aniyang gawin ng pamahalaan ay iangat ang kabuhayan ng mga tao, tanggalin ang contractualization, itaas ang sahod, ibaba ang presyo ng mga bilihin at singil sa kuryente at tubig, magbigay ng libreng pag-aaral at libreng gamot sa ospital para hindi mapilitang gumawa ng masama ang mga tao.

Ang pahayag ni Atty. Neri Colmenares.