--Ads--

 CAUAYAN CITY- Nakataas na ngayon ang Charlie emergency Protocol bilang paghahanda sa Bagyong Leon.

Sa ilalim ng Charlie Protocol ay ikakasa na ng bawat Barangay ang force evacuation sa mga low lying areas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Rueli Rapsing sinabi niya na mula pa kahapon ng tanghali ay nakakaranas na sila ng panaka-naka at pabugso bugsong pag-ulan na dulot ng Bagyong  Leon.

Batay sa forecast ng State Weather Bureau posibleng makaranas ng torrential rains ang Cagayan dahil sakop sila ng outer rain bands ng Bagyong Leon kaya naman naghahanda na muli ang Local Government Units sa pagsasagawa ng paglikas.

--Ads--

Aniya makalipas lamang ang ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine ay naghahanda na sila para sa posiboleng bagsik ng Bagyong Leon.

Kasalukuyang activated na ang kanilang quick response station kung saan naka antabay ang kanilang personnel.

Handa na rin ang mga equipment ng Engineering Office gayundin na nabigyan na ng mandato ang ilang contructor para agad na pagpadala ng mga heavy equipment kung sakaling kakailanganin.

Makakatuwang parin nila ang mga assisting agencies mula sa Unifromed Personnels sa pagtugion sa bagyong Leon partikular ang AFP, BFP, PNP at Philippine Coast Guard.

Samantala,  Nanatiling intact ang stockpile ng mga food and non-food items sa bawat Local Government Unit sa Cagayan bilang paghahanda sa Bagyong Leon.

Wala parin namang LGU ang humiling ng augmentation kaya nanatiling sapat ang mga familiy food packs maging non-food items.