Ipinakita ni Chloe San Jose na masaya at matatag ang relasyon nila ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kabila ng mga pambabatikos at isyu online.
Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Chloe ang video nila ni Carlos habang magkasamang nagbabakasyon sa Fuji, Shizuoka, Japan, kung saan makikita silang nagyayakapan at naghahalikan.
Sinabi ni Chloe na nalalampasan nila ang mga pagsubok dahil sa pagmamahalan at suportang natatanggap nila.
Samantala, naging usap-usapan ang pahayag ni Carlos na hindi niya planong imbitahan ang kaniyang mga magulang, kabilang ang kaniyang inang si Angelica Yulo, sa kanilang magiging kasal.
Ayon kay Carlos, napatawad na niya ang kaniyang mga magulang ngunit nais niyang ang kanilang wedding day ay nakasentro lamang sa kanilang dalawa at puno ng pagmamahal at saya. Sinabi naman ni Chloe na igagalang niya ang desisyon ni Carlos.







