--Ads--
Bigo ang pagpapatupad ng hatol na kamatayan kay Christina Gail Pike sa Tennessee matapos umano siyang bigyan ng dalawang dose ng lethal drug ngunit hindi ito naging epektibo.
Ayon sa kanyang mga abogado, nanatiling gising si Pike matapos ang unang pagtangka sa execution at kalaunan ay isinugod sa ospital. Pansamantalang ipinahinto ang proseso habang ibinasura naman ng U.S. Supreme Court ang hiling na ipagpaliban ito.
Si Pike ay nahatulan ng kamatayan dahil sa pagpaslang noong 1995 nang siya ay 18 taong gulang pa lamang. Kung natuloy ang execution, siya sana ang unang babaeng papatawan ng bitay sa Tennessee sa loob ng mahigit 200 taon.






