--Ads--

Pinaghahandaan na ng City Agriculture Office ng Cauayan City ang mga magsasaka sa lungsod na kasalukuyang nasa vegetative stage na ang pananim na palay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Lungsod, sinabi niya na karaniwan na sa ganitong panahon ang pag-atake ng iba’t ibang uri ng insekto sa mga palayan.

Payo niya na mahalagang panatilihing malinis ang mga palayan upang maiwasan ang pagdami ng mga pesteng insekto.

Hindi rin umano agad inirerekomenda ang paggamit ng insecticides kung hindi pa naman malala ang sitwasyon.

--Ads--

Aniya, kung sakaling hindi maging epektibo ang manwal na paglilinis at pagtanggal ng mga insekto, doon pa lamang dapat gumamit ng insecticides ang mga magsasaka.

Sa ngayon ay wala pa naman silang natatanggap na reklamo mula sa mga magsasaka na naapektuhan ng mga peste.