CAUAYAN CITY – Naglunsad ng isang symposium ang Nutrition Office ng Lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng joint kick-off kasama ang National Nutrition Council bilang paggunita sa Nutrition Month.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Nutritionist Mary Jane Yadao sinabi niya na, na ang month long celebration ng nutrition Month ay binubuo ng ilang programa kabila ang information campaign.
Pumili sila ng limang barangay kung saan isasagawa ang complementary food cooking demonstration.
Isinasagawa rin nila ang culminating program kung saan kikilalanin ang Barangay Nutrition Scholar at ang Best Communal Gardens na bahagi ng pagsusulong ng Nutrition Office ng “Healthy Diet Gawing Affordable for All”.
Inaasahang maitatampok ang iba’t ibang produkto mula sa mga Communal Gardens.
Samantala, maliban dito ay katuwang rin ng City Nutrition Office ang mga bata para sa pagbabahagi ng mga impormasyon kaugnay sa tamang pagkain ng gulay.
Sa ngayon ay tuluy-tuloy parin ang pag adopt nila sa Walang gutom Program kung saan kinikilala nila ang mga Barangay na may pinaka-magandang Communal Garden kung saan mula sa 65 barangay dalawa ang tatanghaling Best Urban Garden,sampu ang Best Communal Garden at dalawang Innovative Garden.
Kaugnay nito may mga programa rin ang City Nutrition Office para sa mga Pregnant Women o para sa mga buntis na nanay.
Isa sa basehan ay ang kumpletong rekord ng monthly check up sa Rural Health Center, at kaalaman ng isang Ina sa 1st 1000 days matapos manganak.
Dito ay masusukat ang kaalaman ng isang ina sa mga tamang nutrisyon para sa mga kapapanganak na Ina at sanggol.
Sa ngayon kumbinsido si City Nutritionist Yadao na kakaunti na lamang ang bilang ng mga kabataang nakakaranas ng malnutrisyon sa Lunsod gayunman tuloy tuloy parin ang monitoring para sa mga bata edad lima pababa.
Makakatuwang naman nila ang DepEd para sa mga batang tumuntong na sa elementarya.