--Ads--

CITY OF ILAGAN – Ginawaran ng Tatlong International Organization for Standardization Certificate ang City of Ilagan Medical Center o CIMC na kauna-unahan at natatanging ospital sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Board Member Evyn Jay Diaz na iginawad ang accreditation sa City of Ilagan Medical Center sa Tatlong International Organization for Standardization Certification matapos sumailalim sa isang linggong accreditation.

Ang mga naigawad sa CIMC ay Ang ISO-9001-2015 o pagpasa sa Quality Management System, ISO 14001-2015 o pagpasa sa Environmental Management System at ISO 45001-2018 o pagpasa sa occupational health and Management System.

International aniya ang Standard ng pagamutan matapos pumasa sa tatlong accreditation.

--Ads--

Dahil dito inaasahan na mas maayos na mabibigyan ng serbisyo ang mga mamamayang Ilaguenio.

Isang taon pa lamang ang operational span ng pagamutan na napakinabangan na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Hindi lamang mga Ilaguenio kundi maging ang mga residente sa labas ng Lunsod ng Ilagan ang mabibiyayaan ng serbisyo ng naturang pagamutan.