CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagtutok ng Philippine Air Force sa mga aktibidad ng Civil Military Operations na layuning makipag-ugnayan sa mga residente sa mga far flung areas sa lambak ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay 2nd Lt. Kevin Mchale Agagdan, Public Affairs Officer ng Tactical Operation Group (TOG) 2, sinabi niya na hindi tumitigil ang hanay ng air force para bisitahin ang mga bayan sa lambak ng Cagayan.
Layunin ng kanilang aktibidad na makapaghatid ng impormasyon sa mga residente tungkol sa mga nangyayari sa bansa, halimbawa nito ay ang information desimination kung anong dapat gawin kung may nga makakaliwang grupo sa lugar.
Bukod sa Isabela ay nakarating na rin ang hanay ng Air Force sa lalawigan ng Cagayan partikular sa Aparri, Camalañugan, Lallo, at Gonzaga kung saan sila nagsagawa ng Campus base and development forum para sa mga kaguruan.
Kasama ang PAF Civil Intervension Team at Medical Corps ay nagbibigay sila ng mga trash bin sa mga lugar na kanilang napupuntahan bilang suporta sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Act of 2000.
Samantala, kabilang din sa kanilang ipinapaliwanag sa mga residente ay ang paulit-ulit at pabalik-balik na paglipad ng kanilang mga Aircraft`.
Ayon sa ahensya, ipinapaliwanag sa taumbayan na hindi dapat ipangamba ang paglipad at pag ikot-ikot ng mga chopper sa bisinidad ng TOG 2 dahil ito ay dahil lamang sa kanilang maintenance at hindi nangangangahulugan na mayroon na agad silang rerespondehan.











