Magsasagawa ng clean-up drive sa Oktubre 29 ang pamahalaang panlungsod ng Ilagan sa mga sementeryo at pangunahing lugar sa Lungsod bilang paghahanda bilang bagi ng kanilang “Oplan Kaluluwa Monitoring.”
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gerry Manguira, Incident Commander, sinabi niya na tututukan nila ang 12 sementeryo sa Ilagan City katuwang ang City Disaster Risk Reduction and Management Council at ilang mga concerned aganecies upang umasiste sa mga inidbidwal na bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Pagsapit ng Oktubre 30 ay mahigpit nang ipagbabawal ang pagdadala ng matatalim na bagay o anumang armas na maaaring makapanakit ng kapwa.
Maging ang pagdadala ng speaker o sound system ay hindi rin pahihintulutan upang mapanatili ang solemness ng All Soul’s at All Saints day.
Ilang araw bago ang Undas ay marami nang nagtutungo sa mga sementeryo upang maglinis kaya mayroon nang nakatalagang mga personnel sa mga places of convergence upang mapanatili ang peace and order.
Ayon kay Manguira, nakalatag na ang mga rerouting sa daang patungo sa mga sementeryo upang maiwasa ang pag-build up ng trapiko.











