--Ads--

Humiling ng hospital arrest sa Sandiganbayan ang isang co-accused ni dating congressman Zaldy Co sa kasong malversation matapos itong ma-stroke habang nakakulong.

Naghain ng mosyon si Juliet Calvo, dating hepe ng Maintenance Division ng Department of Public Works and Highways-Mimaropa, sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Si Calvo, 64, ay kasalukuyang nasa ospital matapos makaranas ng stroke noong Agosto 5 habang nakadetine sa Women’s Dormitory sa Camp Karingal.Astronomy

Ayon sa kanyang abogado, paralisado si Calvo at hindi na makapagsalita matapos ma-stroke.

--Ads--

Dahil dito, inatasan ng Sandiganbayan ang mga doktor ni Calvo na humarap sa korte at magbigay ng report tungkol sa kanyang kasalukuyang kondisyon bago maglabas ng desisyon ang korte.

May kaugnayan ang kaso sa umano’y P289-million substandard flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.