--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinatotohanan ng Phil Drug Enforcement Agency o PDEA Region 2 na ang nadakip na collector ng Small Town Lottery ay kabilang sa local drug group Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa intel-group ng PDEA Region 2 na ang nadakip ay si Rovbert Dako,54 anyos, may-asawa at residente ng Rizal, Santiago City.

Nauna rito ay nasamsam sa pag-iingat ni Dako ang isang sachet ng hinihinalang naglalaman ng shabu kapalit ang P/500.00 marked money.

Nasa pangangalaga na ng presinto uno ng santiago City Police Office si Dako bagamat iginigiit nitong hindi siya nagbebenta ng illegal na droga.

--Ads--

Nauna rito ay isang babae na itinago sa pangalang Grace, isang helper sa bahay kainan ang nadakip ng pulisya dahil sa pagbebenta rin ng illegal na droga.

Pinaigting pa rin ng pulisya sa Santiago City ang monitoring sa mga nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga sa kanilang nasasakupan.