--Ads--

CAUAYAN CITY- Dead on Arrival na pagamutan ang isang college student matapos na sumalpok sa sinusundang tricycel ang minamaneho nitong motorsiklo.

Ang nasawi ay si Prince Valencia,  driver ng Honda TMX single motorcycle, 22-anyos, college student, na residente ng Brgy. Labinab Cauayan City, habang sugatan naman ang angkas nitong si Randell De Guzman, 22-anyos, Residente ng Brgy. San Francisco, Cauayan City.

Ang sangkot na tricycle na nabangga ng biktima ay si Gregie Dela Cruz, 43-anyos, residente ng Rizal, Cauayan City.

Sa naging imbestigasyon ng pulisya, parehong binabaybay ng dalawang behikulo ang provincial road mula sa North Direction patungong South direction partikular sa papuntang Sta. Luciana, Cauayan City.

--Ads--

Batay sa salaysay ni Randell, ang angkas ng nasawing biktima, nagtungo umano sila sa lamay ng kanilang kaibigan ngunit napagdesisyonan nilang bumili ng alak sa isang convinience store sa Poblacion ng Cauayan City.

Nang pabalik na aniya sila sa Sta. Luciana ay hindi nila napansin ang sinusundang tricycle dahilan ng kanilang pagkakabangga sa likurang bahagi nito.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga sakay ng single na motorsiklo at nagtamo ang mga ito ng malubhang sugat na dahilan ng agarang pagkasawi ni Prince Valencia.

Nagtamo ng malubhang sugat si Prince na idinala naman agad sa pagamutan ngunit agad idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

Ayon naman sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gregie Dela Cruz, ang tsuper ng tricycle, sinabi niya na kukuha sana siya ng kanyang mga idedeliver na itlog nang bigla na lamang siyang mabangga ng single na motorsiklo.

Hindi naman aniya kagustuhan ang nangyaring insidente at kahit biktima lamang din siya ay handa naman siyang magbigay ng boluntaryong tulong para sa nasawing estudyante.