--Ads--

Maituturing na accomplishment ng Comission on Election (COMELEC) Cauayan ang ginawang petisyon ng ilang residente sa lungsod upang mailipat ang mga polling center.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer ng COMELEC Cauayan, sinabi niya na isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kanilang ahensya ay ang mailipat ang polling center ng 5 barangay partikular ang barangay Baringin Norte, Casapuera, Gagabutan, Nagcampegan, at San Fermin.

Aniya, mahalaga na mailipat agad ang mga polling center bago ang Barangay and SK election sa darating na November 2, 2026.

Nakitaan naman aniya ang bawat barangay ng sapat na espasyo tulad na lamang ng barangay center at mga pampublikong paaralan kaya hindi dapat maghalo ang magkakaibang barangay sa iisang polling center lamang tulad ng ginagawa ng District 1 at District 3.

--Ads--

Magiging magaan naman ang buhay ng mga botante dahil hindi na nila kailangan pang mamasahe o maglakad ng malayo para lamang makapunta sa polling precint. Inisip lamang din aniya ang kalagayan ng mga PWD at Senior Citizen.

Dagdag pa ni Atty. Vallejo, bagaman hindi madali ang paglilipat ay mas magiging madali ito kung sama samang pipirma sa petisyon ang mga residente.

Umaabot naman sa daan-daang katao ang pumirma sa bawat barangay.