--Ads--

Pinaiigting ng Commission on Elections (COMELEC) sa Lungsod ng Cauayan ang kanilang ocular inspection sa mga voting precinct bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, City Election Officer, sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, tinitingnan nila sa inspeksyon ang kaligtasan ng mga daanan papunta sa presinto, kondisyon ng kuryente, at iba pang pasilidad na makaaapekto sa pagboto ng mga tao. Aniya, prayoridad ng COMELEC ang kaligtasan ng mga botante. Kapag alam nilang ligtas ang presinto at madali silang makakarating, mas maengganyo silang bumoto.

Dagdag pa ni Atty. Vallejo, may ilang botante, lalo na ang mga senior citizen, na nagrereklamo kung bakit sila inaakay sa malalayong classrooms o lugar sa loob ng paaralan. Bilang tugon, nakikipag-ugnayan ang opisina ng COMELEC sa mga principal at punong barangay upang ayusin ang mga presinto, tiyakin na malapit sa mga pangunahing pasilidad at mas maginhawa para sa mga botante ang pagboto.

Layunin ng hakbang na ito na masiguro na ang mga presinto ay ligtas at maayos para sa lahat ng botante.

--Ads--