--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy pa ang isinasagawang Satellite Registration sa Lungsod ng Cauayan ng Lupon ng Halalan o COMELEC Cauayan City.

Ngayong buwan ng Agosto ay ilang Barangay pa ang bibisitahin ng naturang tanggapan partikular sa Barangay Marabulig Uno, Marabulig Dos, District 2 at Pinoma.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cuayan kay Atty. Johanna Vallejo, Election Officer ng Comelec Cauayan City, sinabi niya na layunin nilang ilapit ang kanilang serbisyo  sa mga barangay o komunidad.

Natutuwa naman sila dahil sa magandang turnout ng kanilang satellite registration.

--Ads--

Maliban sa pagpapa-rehistro ay bukas din ang naturang programa para sa mga gustong magpa-correction at reactivation.