
CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) region 2 na nagkukulang ang community isolation units sa ikalawang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng DOH region 2 na aabot lamang sa 21 community isolation units sa region 2.
Sinabi ni Dr. Magpantay na dapat ang bawat bayan o lunsod ay magkaroon ng community isolation unit na certified ng DOH at accreditted ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ang mga positibo sa CoVID-19 na asymptomatic ay ilalagay sa community isolation unit at dapat magkaroon ng masigasig na contact tracing sa mga close contact.
Sinabi pa ni Dr. Magpantay na ang maaari lamang na sumailalim sa self-isolation ay ang mga general contact ng CoVID-19 positive.










