--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa kabila na nasa ika-23 na puwesto sa partial and official count ng Commission on Elections (comelec) ay hindi ayaw pang mag-concede si senatorial candidate Gary Alejano.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na hindi pa maliwanag sa kanya ang resulta ng eleksiyon at wala pang pagproklama sa mga nanalong 12 na senador.

Binatikos din ng mambabatas ang umanoy paggamit ng pamahalaan ng puwersa at resources.

Halimbawa aniya ang mismong pangangampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang mga kaalyado.

--Ads--

Nangangamba si Alejano na mawawalan ng check and balance sa Senado matapos majority ng mga nanalo ay kaalyado ng pangulo.

Mahalaga aniya ang pagkakaroon ng matatag na oposisyon sa pamahalaan dahil sila ang pupuna kung may pagkukulang at pagmamalabis sa pamahalaan.

Ang tinig niCong. Gary Alejano