--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang construction worker sa isinagawang  anti illegal drug buy-bust operation ng otoridad matapos maaktohang nagbebenta ng ilegal na droga sa Batal, Santiago City

Matagumpay na naisakatuparan ang naturang operasyon sa pinagsanib-pwersa ng City Intelligence Unit ng Santiago City Police Office (lead Unit) at Police Station 4 kung saan nadakip ang suspek na kilala sa alyas na “Bryan”, 32 taong-gulang, walang asawa, construction worker at residente ng Cordon, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu.

Nasamsam din mula sa kaniya ang isang piraso ng Five Hundred Peso Bill, 1,500 Pesos na buy-bust money, isang unit ng  cellphone at motorsiklo  na ginamit sa illegal na transaksyon.

--Ads--

Sa ngayon, ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa  kustodiya ng Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.