CAUAYAN CITY- Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency ( PDEA ) at Luna Police station ang isang construction worker na sangkot umano sa pagbebenta ng marijuana sa mga kabataan.
Ang nadakip ay si Jaypee Gabriel Ancheta, 20 anyos at residente ng Mambabanga, Luna, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan asa Luna police station katuwang nila ang mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit, Regional Special Operations Group sa pakikipag-tulungan ng mga kasapi ng Isabela Anti-Crime Task Force sa isinagawang operasyon sa Mambabanga, Luna, Isabela.
Nakabili ng dalawang pirasong bricks ng marijuana na may timbang na umaabot sa 500 gramo ang nagpanggap na poseur buyer kay Ancheta.
Nasamsam din ang tatlong pirasong boodle money.
Inamin ni Ancheta na siya ay gumagamit ng droga ngunit hindi siya nagbebenta at mariin niyang itinanggi na sa kanya ang nakumpiskang pinatuyong marojuana.
nagpositibo aniya si Ancheta sa isinagawang drug test.
Una nang sumuko ang suspek ngunit sa isinagawang background investigation ay patuloy siya sa paggamit at pagbebenta ng marijuana sa mga kabataan sa Luna.




