CAUAYAN CITY – Patay ang isang construction worker sa karambola ng limang sasakyan sa national highway sa Santa, Tumauini, Isabela.
Ang mga sasakyan na unang nasangkot sa aksidente ay isang Mitsubishi Canter na minaneho ni Jayson Galiza, 44 anyos, may-asawa, magsasaka at residente Purok 1, Siffu, City of Ilagan at isang Rusi motorcycle na walang plaka at minaneho ni Ano Lorenzo, 28 anyos, construction worker at residente Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela.
Ang isa pang sangkot na sasakyan ay isang Navara pick-up na pag-aari at minaneho ni PCpt Efren Padua Tangonan, 49 anyos, miyembro ng 2nd IPMFC at residente ng Cabaritan West, Ballesteros, Cagayan.
Ang isa pangsangkot na sasakyan ay Yamaha YTX 125 na pag-aari ni John Isaac Mariano, 31 anyos, kawani ng pamahalaan at residente ng Centro Poblacion, Peñablanca, Cagayan
Ang ikalimang sasakyan ay isang Honda TMX 125 tricycle na pag-aari ni Bernard Balingao, 51 anyos, tsuper at residente ng Lanna, Tumauini, Isabela
Lumabas sa imbesigasyon ng Tumauini Police Station na ang Canter truck na service vehicle ng Siffu, Lunsod ng Ilagan ay naglalakbay patungong south direction patungong Lunsod ng ILagan habang ang Rusi motorcycle na naglalakbay sa opposite direction ay umagaw ng linya kaya nabangga ang canter.
Pumailalim ang motorsiklo sa canter.
Hindi agad napansin ng paparating pick up na patungong Tumauini at minamaneho ng isang pulis ang aksidente ngunit sinikap na iwasan ito ngunit nabangga ang rear left side ng canter at napunta sa shoulder ng daan at nabangga ang isang motorsiklo at tricycle na nakaparada.
Ang tsuper ng Rusi motorcycle na si Ano Lorenzo ay dinala ng ambulansiya ng LGU Tumauini sa Tumauini Community Hospital sa barangay Lingaling, ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Dinala rin sa nasabing ospital ang tsuper ng truck para sa alcoholic breath test, physical at medical examination.
Nagtamo ng pinsala ang mga sangkot na sasakyan.