--Ads--

CAUAYAN CITY –  Hindi lamang Coronavirus Disease (COVID-19)ang problema ngayon sa Libya kundi ang mga nagaganap na kaguluhan dulot ng Civil War.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa Microbiologist na si Ginoong Sonny Flores, sinabi niya na batay sa monitoring ng Philippine Embassy sa Tripoli, Libya ay wala pang Pilipinong kinapitan ng  COVID 19 sa bansang Libya.

Mas marami aniya ang tinamaan ng COVID-19 sa Tripoli kumpara sa ibang bahagi ng Libya.

Sinabi pa ni Ginoong Flores na nagtalaga ang Philippine Embassy ng coordinator mga  ospital at kompanya para agad makontak ang embahada kung may Pinoy sa Libya na tinamaan ng COVID-19.

--Ads--

Sinabi pa ni Ginoong Flores na sa pinaglilingkuran niyang ospital ay marami silang Pinoy na healthworker dahil pinayagan ang mga Libyan na huwag munang pumasok.

May mga hindi nakabalik mula sa Tripoli dahil sa total lockdown.

Gumagawa sila ng mga face mask at face shiled na ibinabahagi nila sa ibang ospital.

Bukod sa COVID-19 ay problema rin nila sa Libya ang mga panaka-nakang pagsabog.  

May pagkakataon pa aniya noong nakaraang taon na may dalawang rocket na bumagsak sa likod at harapan ng ospital ngunit nagpapasalamat sila na walang tinamaan.

Ang tinig ni Mr. Sonny Flores