
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 585 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pamahalaang lunsod, sa 585 ay 33 ang aktibong kaso.
Labing-isa ang nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) habang 20 ang nasa LGU isolation facility.
Pinalakas pa ng pamahalaang lunsod ang mga paging system sa bawat barangay para paalalahanan ang mga mamamayan tungkol sa pagtalima sa mga panuntunan pangunahin ang mga health protocols.
Samantala, dalawa ang naitala na bagong kaso ng COVID-19 sa Lunsod ng Santiago.
Una si CV 5333, 55 anyos na babae at mula sa barangay Victory Norte, Cauayan City.
Mayroon siyang kasaysayan ng paglalakbay sa Cauayan City at nakasalamuha si CV 5198.
Siya ay nakaranas ng lagnat at ubo na nagsimula noong ika-27 ng Disyembre 2020.
Pangalawa si CV 5334, 60 anyos na babae at residente ng barangay Centro East.
Wala siyang kasaysayan ng paglalakbay subalit may hypertension, diabetes at renal disease.
Nakaranas din siya ng hirap sa paghinga na nagsimula noong ika-31 ng Disyembre, 2020.
Sumailalim sa home quarantine si CV 5333 at ililipat sa LGU isolation facility habang nasa SIMC si CV 5334.
Patuloy ang contact tracing ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) para sa mga nakasalamuha ng mga bagong kaso ng COVID-19.




