--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtaas ng mga COVID-19 positive sa region 2 matapos maitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang 5 bagong kaso ngayong July 18, 2020.

Ang una ay si CV207 na mula sa Santiago City, 21 anyos na lalaki na galing sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang ikalawa ay si CV208 na mula Iguig, Cagayan, 32 anyos na lalaki at nakasalamuha sina CV186, 187 at 188.

Ang ikatlo ay si CV209 na mula Ramon, Isabela , 42 anyos at galing sa Saudi Arabia.

--Ads--

Ang ikaapat ay si CV210 na mula Quirino, Isabela, 22 anyos na LSI at galing sa Taguig City.

Ang ikalima ay si CV211 na mula San Manuel, Isabela, 61 anyos na lalaki na galing sa Dubai.

Ang 5 na bagong COVID-19 positive ay asymptomatic.

Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga COVID-19 positive ay  isinasagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) at kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Nueva Vizcaya at mga Lokal na Pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibo sa sakit.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na  negatibo na sa sakit o clinically recovered na ang 15 na pasyente.

Ang 9 ay mula sa Isabela at 6 mula sa Cagayan.