--Ads--

CAUAYAN CITY –  Limang bagong COVID-19 positive na galing lahat sa Cagayan ang naitala ng Department of Health (DOH) region 2.

Dahil dito ay umakyat na sa 239 ang mga nagpositibo sa Lambak ng Cagayan.

Ang una ay si CV235 na mula sa Solana, Cagayan, 29 anyos na babae na Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Taguig City.

Ikalawa si CV236 na mula sa Solana, Cagayan, 38 anyos na lalaki na LSI at galing sa Taguig City.

--Ads--

Ikatlo si CV237 na mula sa Solana, Cagayan, 37 anyos na lalaki na galing din sa Taguig City.

Ikaapat si CV238 na mula  Solana, Cagayan, 46 anyos na lalaki na galing din sa Taguig City.

Ikalima ay si CV239 na mula Peniablanca, Cagayan, 48 anyos na OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga COVID-19 positive ay isinasagawa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at mga lokal na pamahalaan kung saan nakatira ang mga tinamaan ng virus.