--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 327 ang kaso ng COVID-19 sa region 2 matapos makapagtala ng 10 bagong  positibo.

Una si CV316, 29 anyos na babae, Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Caloocan City at residente ng Alicia, Isabela.

Pangalawa  si CV317, 26 anyos na lalaki, LSI mula sa Pasig City at residente rin ng Alicia Isabela.

Pangatlo si CV318, 23 anyos na lalaki na residente sa Gamu Isabela at walang naitalang kasaysayan ng paglalakbay subalit nakasalamuha niya sina CV307 at CV311.

--Ads--

Siya ay nakaranas ng ubo simula noong July 23, 2020.

Pang-apat si CV319, 21 anyosna babae, LSI  mula sa Quezon City at residente ng Cabagan, Isabela.

Panglima si CV320, 28 anyos na lalaki, OFW sa Riyadh, Saudi Arabia at taga Lal-lo Cagayan.

Pang-anim si CV321, 23 anyos na babae, LSI mula sa Sampaloc, Maynila at residente ng Lal-lo, Cagayan.

Pangpito si CV322, 23 anyos na babae, LSI na mula rin sa Sampaloc, Maynila at residente rin sa Lal-lo, Cagayan.

Pangwalo si CV323, 32 anyos na lalaki, LSI mula sa Malate, Maynila, at taga-lunsod ng Santiago.

Pangsiyam si CV324, 22 anyos na lalaki, LSI mula sa Quezon City at residente ng Baggao, Cagayan.

Pangsampo si CV325, 19 anyos na lalaki, LSI mula sa Las Piñas City at residente ng Solana, Cagayan.

Nagkaroon siya ng ubo mula noong July 29, 2020.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng sampung bagong COVID-19 positive sa Isabela at Cagayan.