--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 356 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos maitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang 18 na bagong positibo.

Una si CV339, 30 anyos na lalaki mula sa Peniablanca, Cagayan, Overseas Filipino Worker (OFW) na galing sa Saudi Arabia.

Ikalawa ni CV340, 33 anyos na lalaki na mula Echague, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay at nakaranas ng pamamaga ng lalamunan.

Ikatlo si CV341 na 19 anyos na lalaki mula Jones, Isabela, LSI na galing sa Quezon City at nakaranas ng ubo at sipon.

--Ads--

Ikaapat si CV342, 52 anyos na lalaki mula Gamu, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha sina  CV307 at 311.

Ikalima si CV343, 83 anyos na babae mula Reina Mercedes, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV311 at nakaranas ng pananakit ng  katawan at madalas na pagbabawas.

Ikaanim si CV344, 25 anyos na babae na mula San Isidro, Isabela at LSI na galing Sampaloc, Maynila.

Ikapito si CV345, 21 anyos na lalaki mula Roxas, Isabela at LSI na galing sa Cebu.

Ikawalo si CV346, 27 anyos na lalaki mula sa Roxas, Isabela at LSI mula sa Maynila.

Ikasiyam si CV347, 47 anyos na babae mula Roxas, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha ang isang bisita mula sa Baguio City at nakaranas ng ubo at panghihina ng katawan.

Ikasampu si CV348, 48 anyos na babae mula Ballesteros, Cagayan at LSI mula sa Binalonan, Pangasinan.

Ikalabing-isa si CV349, 48 anyos na babae mula Camalaniugan, Cagayan at LSI mula sa Alabang, Muntinlupa City.

Ikalabindalawa si CV350, 20 anyos na lalaki mula Angadanan, Isabea at OFW na galing sa Malaysia.

Ikalabintatlo si CV351, 29 anyos na lalaki mula Echague, Isabela  at OFW na galing sa United Arab Emirates.

Ikalabing-apat si CV352, 33 anyos na lalaki mula Tumauini, Isabela at LSI galing ng Malate, Maynila.

Ikalabinlima si CV353, 24 anyos na lalaki mula Tumauini, Isabela at LSI mula sa Cavite.

Ikalabing-anim si CV354, 26 anyos na lalaki mula Tumauini, Isabela at LSI na galing sa Laguna.

Ikalabimpito si CV355, 42 anyos na babae mula Tuao, Cagayan at LSI na galing sa Mandaluyong City.

Ikalabingwalo si CV356, 42 anyos na babae mula Tuao, Cagayan at LSI na galing sa Sta. Cruz, Manila.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 18 bagong COVID-19 positive sa region 2.