--Ads--

CAUAYAN CITY – Dumating na sa Lunsod ng Cauayan ang dalawang crash investigator ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP na magsasagawa ng pagsisiyasat sa pagbagsak sa Ditarum, Divilacan, Isabela sa Cessna plane na may anim na sakay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Incident Managament Team Commander Atty. Constante Foronda na ang dalawang crash investigator ng CAAP ay sasakay sa helicopter ng Philippine Air Force na susundo sa anim na labi ng mga sakay ng cessna plane sa Divilacan.

Ang dalawang crash investigator na magtutungo mismo sa crash site ay may mga kasamang mekaniko dahil kailangan nilang kalasin at kunin ang makina, propeller at emergency locator transmitter.

Ayon kay Atty. Foronda, ang mga ito ang mahalagang bahagi ng cessna plane para makita ang kondisyon ng eroplano bago bumagsak batay sa physical site ng wreckage.

--Ads--

Matapo ang kanilang pagsusuri at pagsisiyasat ay maglalabas sila ng kanilang findings sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano.